Huwebes, Nobyembre 22, 2018

Mapanuring paggamit ng gadget: Tungo sa mapagkalingang ugnayan sa pamilya at kapwa

          


            Ang teknolohiya ay isang kasangkapan upang mapadali, maging mas maayos at malinis  ang pagkagawa ng isang bagay o gawain. Ginawa ang teknolohiya upang malinang at umunlad ang buhay ng isang simpleng indibiwal ngunit taliwas kung minsan ang paggamit nito. Ang paggamit ng teknolohiya ay nagsisilbing libangan, mabilis na tagapaghatid ng impormasyon sa nakakarami, mas may kamalayan ka sa kung ano ang nangyayari sa iyong kapaligiran at nakakatulong ito sa ating pangaraw-araw na gawain. Pero hindi maiiwasan ang mga taong ginagamit ang teknolohiya sa maling pamamaraan. At isa rin ito sa dahilan kung bakit napapagalitan ang mga taong hindi sumusunod sa utos ng mga magulang. Pero ano nga ba ang dulot ng paggamit ng gadgets sa atin?

           Nakakagamit ang isang tao ng "social media" dahil sa paggamit ng gadgets o kasangkapang gumagamit ng teknolohiya. Sa sobrang tutok natin sa gadgets nasasawalang bahala na natin ang mga responsibilidad natin sa loob ng tahanan kaya tayo ay palaging napagsasabihan at napapagalitan ng ating mga magulang. Social media, ginagamit ito upang magpahayag ng opinyon,saloobin,pansariling pananaw at sari-aring komento hinggil sa isang paksa o isyu. Sa panahong ito, karamihan ng tao lalo na tayong mga Milenyal ay ginagamit ang social media upang siraan, ipahiya at dungisan ang pagkatao ng ating kapwa. Sa simpleng pagpost o komento ay maraming naaapektuhan at pinagmumulan ito ng hidwaan ng tao sa kapwa niya tao. Hindi naman talaga masama ang maghayag at magbahagi ng iyong nararamdaman nasa tao lang kung papaano niya ito pahalagahan ang wastong paggamit ng hindi nananakit at nakakasama sa saloobin ng kapwa niya tao. Kung may problema ka sa isang tao dapat pag-usapan niyo ng masinsinan at maging bukas sa isa't isa para malutas ito hindi yung nagpapatamaan kayo at alam niyo naman na sobrang lawak ng nasasakupan ng social media kaya marami ang nakakakita sa inyong ga ginagawa.

            Ang gadgets ay ginawa para sa mas mabilis na pakikipag-ugnayan, napapaunlad nito ang ating sarili at nagbibigay sa ating ng wastong kaisipan ukol sa isang paksa. Ginagamit ang teknolohiya sa masamang gawain kaya'y nagmumukhang  masama ang dulot nito sa mata ng isang indibidwal dahil sa maling pamamaraan ng paggamit nito. Hindi naman kasalanan ng teknolohiya kundi kasalanan ng mga taong walang disiplina sa sarili at hindi isinisaalang-alang ang mga nararadaman  ng kapwa niya tao. Magkakaiba tayo ng opinyon tungkol sa dulot ng gadgets sa atin pero kung susumahin ang konsepto nito ay malaki talaga ang tulong ng teknolohiya para mapagaan at mapadali ang buhay ng tao. Sa paggamit ng teknolohiya nasa tao na kung gagamitin niya ito sa masama o sa kabutihan. Lahat ng bagay ay may limitasyon kaya lahat ng sobra ay nakakasama sa ating katawan kaya dapat iwas-iwasan lang ang paggamit ng gadgets. At  tandaan rin na ang iyong kalayaan sa bawat gawain na iyong ginagawa ay may kaakibat na responsiblidad.

References:
raseef22.com

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Reflection

                             Fourth Quarter is so very interesting cause’ we will learn how to create or formulate a creation or...