Sabado, Agosto 4, 2018

Ipagmalaki ang wika natin

Wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na kung saan ginagamit natin ito sa pangaraw-araw nating pamumuhay. Ang Wikang Pilipino ay minana pa natin ito sa ating mga ninuno. Huwag nating ikahiya ang Wika na pinagkaloob sa atin bagkus pagtibayin ang paggamit ng pambansang Wika sa iba't ibang larangan, siyensa, at iba pang sektor. Kung ito ang gagamtin natin sa pananaliksik magkakaroon ng mas malalim na pag-unawa sa mga suliranin o bagay na hindi masyadong naiitindihan ng nakakarami.

 Tuwing Buwan ng Agusto, pinagdiriwang natin ang Buwan ng Wika. Ito ay isa sa pinakaimportante at espesyal na Buwan para sa mga Pilino. Sa Buwan na ito, binibigyang pugay ang pagkasino at pagkaPilipino ng bawat isa sa atin. Ugaliin natin na sumali at makibahagi sa mga paligsahan at panayam para mahubog ang iyong pagkatao. Ito rin ay makakatulong kung papaano natin pagibayuhin ang sarling Wika sa ating pangaraw-araw na gawain. Ating Wika ay dapat ipagmalaki sa lahat ng larangan kasi ang Wika natin ang nasisilbing pagkakakilanlan ng isang indibidwal kung ano at sino siya talaga.

 Kada-Taon ay importante na mabigyan natin ng pansin ang paggunita ng Buwan ng Wika kaya dapat makibhagi tayo sa pagdiriwang na ito. Nagbibigay ito ng matinding mensahe sa atin, kaalaman at aral na magagamit natin para sa ating pangaraw-araw na pakikipagtalastasan o pakikipag-usap. Mahuhubog din ang iyong sarili sa lahat ng aspeto at mapapaunlad ang iyong pagkatao dahil sa iyong pakikibahagi dito. Kaya't dapat pahalagahan ang Wikang PIlipino at bigyan ito ng importansiya at wag itong balewalain. Ang wika ay bahagi ng ating buhay at ating ginagamit sa araw-araw na pakikipag-usap sa kapwa nating tao.

3 komento:

  1. Ang iyong ginawa ay mahusay ngunit sana ay binasa mo ulit ang iyong ginawa dahil marami kamali. Pero sa huli maganda naman ito at angkop ito sa tema.

    TumugonBurahin

Reflection

                             Fourth Quarter is so very interesting cause’ we will learn how to create or formulate a creation or...