Sabado, Disyembre 1, 2018

Maayos na pag aaruga para sa magandang bukas

 

 




      Mahirap maging isang doktor, inhinyero, guro, arkitekto, sundalo, o maging isang boksingero. Sa totoo lang, walang madaling trabaho dito sa mundo subalit may mas hihigit pa ba sa trabaho ng pagiging isang magulang? Sa aking sariling opinyon, ang pagiging isang magulang ay ang pinakamahirap na hamon sa buhay ng isang tao. Sa karamihan, pinaplano ang pagsabak sa hamong ito para maging handa sa mga posibilidad na pwedeng mangyari subalit minsan sadyang ipinagkakaloob ng pagkakataon kahit hindi pa handa ang taong humarap sa hamong ito.

      Bilang isang magulang, malaki ang pananagutan ng nanay at tatay sa tamang pag-aaruga sa kanilang anak. Malaki ang responsibilidad nila upang mapalaki ng maayos ang isang bata. Karapatan ng mga anak na mag-aral, makakain ng tatlong beses sa isang araw, maayos na tahanan, at makatanggap ng pagmamahal sa kanilang mga magulang. Sa kasalukuyan, parami ng parami ang kaso ng pang-aabuso sa mga bata at hindi ito maiiwasan dahil mismong mga magulang ang gumagawa nito. Kahirapan, isa ito sa dahilan kung bakit ang mga bata ay nasasaktan at napagsasabihan ng masama  ang kanilang mga magulang, dahil sa kakulangan sa pera at patong-patung na problema. Broken family, isa din itong sanhi kung bakit napapariwara ang buhay ng isang bata dahil hindi nabibigyan ng halaga, maayos na paggabay, at sapat na pagmamahal na sana'y inaasahan na ibigay ng mga magulang sa kanilang ngunit hindi nagagawa ito sa kadahilanan na napagtutuonan na nila ng pansin ang pag-aaway at hindi pinag-uusapan ng maayos para malutas ang hindi pagkakaintindihan na ito. Ang bata ay nagrerebelde at gumagawa ng masamang bagay dahil hindi sapat ang paggabay ng mga magulang para malapit ang kanilang mga anak tungo sa mabuting landas.

       Malaki talaga ang epekto ng mga magulang sa paglaki ng mga anak nila. Kailangan ang nanay at tatay ay magkatuwang sa lahat ng bagay upang mapalaki ng mabuti ang' anak. Ito'y nangangahulugang dapat maglaan ng sapat na oras at panahon ang mga magulang para sa kanilang upang mapaunlad ang kaisipan ng isang bata. Nararapat na magsimula sa tahanan ang tamang edukasyon,asal at displina upang maging mabuti at produktibong mamamayan ang mga bata. Kung ang bata ay may displina,maprinsipyo at makatarungan, siya'y magiging inspirasyon at magiging mabuting ehemplo sa iba  kaya malaki ang ginagampanan ng mga responsableng mga magulang sa tamang pag-aaruga ng isang bata.


References:




 

Reflection

                             Fourth Quarter is so very interesting cause’ we will learn how to create or formulate a creation or...